Saturday, August 14, 2010

Puno ng Kamias

Kami'y naglalaro namimili sa hakot 
ng mga batong-lungtian na nangaling sa luha ng mga ninuno,
tinangay ng baguio natuyo sa bilad ng tag-araw.

Sa aking pagalis, ang dahon niya'y nalanta
ngunit sa kanyang puting dakta umuuslong mga lilok ng ambar
sinamba ng mga langam walang tinig na kakapapuri--

sa mga oras na umaasim,  pusong nalalasay parang
pasas na pinatamis sa isang garapon halaya,
sa pagdilim ng gabi ay sinusubaybayan lamang ng lilim.

No comments: